Posted by: filculma51g3 | October 21, 2008

Blog #3 :: Anton :: Epy Quizon

Kung napanood niyo na ang pelikulang “Radyo” ni Yam Laranas ay siguradong kilala niyo na si Jeffrey Quizon o Epy Quizon. Sa pelikulang “Radyo” si Epy Quizon ay si Ruben, isang lalakeng nahihibang sa karkter ni Ruffa Mae Quinton a si Mila, isang VJ ng isang isatsyong pang radyo. Nung sinabi ni Sir Madula na pumili ng isang artista at ilarawan ang imahen na pinapakita nito sa lipunang Pilipino agad pumasok sa aking isip si Epy Quizon dahil sa kakaibang ystilo niya ng pag-aarte at pagpili ng pelikula.

Si Epy Quizon ay isa sa mga anak ng kilalang actor at komedyante na si Dolphy. Ang mga Quizon ay isa ng institusyon sa larangan ng showbiz dito sa ating bansa. Si Dolphy ay kinikilala bilang isang sandigan sa industriyang kinabibilangan at ang kanyang mga anak tulad ni Epy Quizon ay ipinagpapatuloy ang galling ng kanilang pamilya.

Sa aking palagay ang imahen na ipinapakita ni Epy Quizon sa lipunang Pilipino ay imahen ng isang alagad ng sining na hindi inilalagay ang kanyang sarili sa loob ng kahon. Si Epy Quizon ay kilala bilang isang “Character actor” na kung tawagin sa Ingles at ang kanyang mala-chameleon na kalidad sa larangan ng pag-aarte ay masasabi nating tanyag at naiiba sa mga kontemporaryo niya.

Maliban sa pelikulang “Radyo”, si Epy Quizon ay makikita sa ibat-ibang pelikula kung saan ang mga tauhan niya ay talagang nakakaiba. Sa pelikula ni Gil Portes na “Markova: Comfort Gay” si Epy ay nakasama ang kanyang ama sa isang pelikula na tungkol sa mga baklang nagsisilbing aliw noong panahon ng pananaok ng mga Hapones sa ating bansa. Sa pelikulang “Pinoy Blonde” ni Peque Gallaga gumanap siya bilang isang lalakeng mahilig sa pelikula at napakalaki ng imahinasyon. Sa pelikulang “Boso” naman siya ay gumanap bilang isang caretaker na isang voyeur o mahilig manilip o mamboso sa kanyang mga kapit-bahay. Mapapansin natin ang “range” ng artistang ito base sa mga pinipili niyang mga tauhan.

Makikita sa pagkatao ni Epy Quizon na kahit mukha siyang taong moroso, hindi niya ginagawang biro ang kanyang trabaho. Ipinapakita niya sa lipunang Pilipino na ang artistang pinoy ay maaring maging kakaiba at hindi kinakailangang laging inilalagay ang sarili sa isang gilid. Isa siyang alagad ng sining na hindi natatakot na husgahan ng mga kritiko at kapwa niya artista.


Leave a comment

Categories