Posted by: filculma51g3 | May 6, 2011

I am part of Sulit.com.ph’s 1M members!

Sulit.com.ph Buy and Sell Philippines
Sulit.com.ph Buy and Sell
Join the 1M Raffle Giveaway

Posted by: filculma51g3 | December 1, 2008

Blog #5 :: Icy :: “Ang Dating ng SALE” ni Liz Reantaso

Ang SALE ay kadalasang nagaganap sa iba’t ibang sulok ng malls sa ating bansa. Lalo na nga, gaya ng sabi ni Liz na tumataas na rin ang mga presyo ng mga bilihin, na hindi lamang nagmumula sa mall. Ang mga bilihing aking binabanggit ay hindi lang material things kundi ang mga serbisyong tinatangkilik ng mga nakararami. Ang kanyang halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo noong nakaraang mga buwan na para sa akin ay ilan lamang sa mga maraming halimbawa kung bakit nagtataasan ang mga presyo ngmga bilihin. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagaganap ang SALE.

Sang-ayon ako sa mga dahilang ibinigay ni Liz kung bakit nagkakaroon ng mga SALE sa malls. Ang mga “end of season sale” at ang mga regular na SALES  na nagsasaad sa mga paskil ng “30-50% OFF” ika nga niya, ay isang marketing strategy para mabenta ang mga items na hindi gaanong mabili sa mga regular nilang mga presyo. Kung mapapansin natin ang mga items na SALE ay hindi gaanong mukhang bago, hindi gaanong trendy, at hindi na gaanong maganda ang quality. Nagaganap ang SALE para matanggal na ito sa tindahan at magkaroon na muli ng panibagong mga bilihin. Isa pang dahilan ay may mga tindahan nang nalulugi kaya kahit maganda-ganda pa ang mga items ay sobrang naka-drop na ang presyo- ngunit ang ganyang mga pagkakataon ay bihira lamang. Pamisan nga lang ang mga ibang stores diyan ay nilalagyan ng paskil na SALE para bisitahin sila ng mga customers, tapos iyon naman pala halos tatatlo lang ang mga SALE items nila, pangit pa!

Pag may pagkakataon sa SALE ay pinagsasamantalahan ko rin ito. Paminsan nga pag may gusto akong bilihin ay hihintayin ko pa ang panahon ng SALE para lang mabili ko ang item na iyon sa presyong abot kaya ko. Sino ba namang tangang tao ang tatanggi sa mga mabababang presyo na mga bilihin. Kailangan lang ng pagtiyatiyaga kapag may SALE sapagkat maraming kaganapan o mga instances ang maaaring maranasan ng isang taong nasa isang Mall na may “mall-wide SALE.” Mula rito, nais kong isuri ang mga epektong nagaganap mula sa mga SALE ng iba’t ibang Malls na kanyang ibinanggit. Mula sa mga epektong ito, nais kong isuri kung anu-ano ang mga implikasyon nito sa kultura o tradisyon ng mga Pinoy.

Sa kanyang papel, binanggit niya ang iilan sa mga Malls na kadalasan at paminsan niyang puntahan sa mga pagkakataong SALE. Ang mga Malls gaya ng Alabang Town Center o kung tawagin ng mga nakararami, ang ATC, ang Festival Mall o Festi, na katabi lang din ng ATC, ang SM Mall of Asia o kung tawagin ng mga bagets ay MOA, ang SM Baguio, at ang Greenbelt na isang elitistang mall ng Ayala. Napakakonkreto ng mga paglalarawan niya sa mga Malls na ito sapagkat napatunayan niya ang kaibahan at pagkakapareho ng mga kaganapan ng mga ito sa panahon ng SALE.

Ang ilan sa mga makikita kaagad o obvious na epekto kapag may kaganapan na SALE ay ang pagiging crowded at siksikan sa Mall. Nabanggit ko na ang isa sa pangunahing obhetibo ng SALE ay para makakuha ng mga customers o mga tagatangkilik ng mga items na hindi mabenta-benta, at dahil doon, nangyayari ay dinudumog ang mga stores at Malls na ito. Sobra-sobra ang attraction ng SALE at pati ang mga parking lot at mismong daanan ng kotse ay halos barado na. Binaggit ni Liz na ang Alabang Town Center ay nagiging ganito pag-SALE. Kahit sa mga iba pang Malls na binaggit niya gaya ng Festival Mall, Robinson’s Department Store dito, at ang SM Mall of Asia ay nagkakaroon ng siksikan, pati na rin banggaan o sakitan. Paano pa kaya kung ang lokasyon ng Mall na ito ay nasa sentro ng maraming naninirahan? Mas nagiging accessible ang lugar at mas ganap ang pagdudumog dito.

Hindi lang iyan, napansin din niya na ang mga sukatan ay punung-puno. Agawan hindi lang ang fitting room, pati na rin ang mga bilihin na naka-red tag o SALE. Paminsan nagkakaroon pa ng pikunan at alitan sa mga namimili kasi pinagaagawan ang kapirasong item na akala mo naman ay pagkaganda-ganda. Pati na mismo ang mga sales lady ay nalilito at pagod na pagod kakaasikaso ng sangkatutuak na taong tumatangkilik sa mga items nila. At kapag nakuha mo na ang gusto mo pagkatapos ng siksikan at agawan, ay pipila ka naman sa kaherang napakahaba ang pila at siksikan na naman. Iyan lamang ang iilan sa mga kaganapan kapag SALE.

Buhat sa mga hindi kaakit-akit na kaganapan sa SALE, makikita pa rin natin, sa kabilang banda, na may makikita pa ring magandang implikasyon sa Pinoy ang pagkakataon ng SALE.

Ang mga Pinoy ay may pagtiyatiyaga sa mga kondisyong ganito. Nagagawa nilang sumabak sa napakaraming taong nagaagawan, nagbabanggaan, at nagsisiksikan. Lalo na mura ang presyo, nakikita rin natin ang praktikalidad ng mga tao. Hindi maluho ang mga Pinoy buhat sa ganitong gawi. Kontento na sila sa mga items na kahit na hindi signature brand o kahit na hindi gaanong maganda basta’s abot kaya, bagay sa kanila, kailangan nila, at kasya naman ay iyon ang pipiliin at tatangkilikin. Nagpapakatotoo sila hindi gaya ng iilang mga tao na kahit gipit na ay pilit pa ring bibilihin ang iisang branded na item. Hindi gaya ng mga Pinoy nakararami sa pamilihin sa presyong praktikal at pasok sa badyet nila.

Ang panahon ng SALE ay masasabi rin na nagiging paraan ito sa pagneutralize ng pagkakaiba at pagkakahiwalay g mga elitista at mga masa na Filipino. Dito nagkakaroo ng pagtitipon-tipon ng mayayaman at mahihirap. Matutunghayan na ang mga Pinoy na ito ay praktikal kahit na sobrang dami na ng pera ay nagtiyatiya rin makipagsiksikan at maghalungkat ng mga items.

Hindi lahat ng epekto ng SALE ay may masamang dulot sapagkat natutunghayan, at mas naiintindihan at nauunawaan natin ang kultura at gawi ng mga Pinoy sa mga pagkakataon na ganito.

Posted by: filculma51g3 | December 1, 2008

Blog #4 :: Icy :: Kolokyalismo: Ang Mabisang Wika sa Medya

Ang wika para sa akin ay isang instrumentong may kakayahan at may kapangyarihang magmanipula at gumawa ng isang pamantayan at kahalagahan. Nais kong isaisahin kung paano nangyayari ang tatlong ito.

Sa pagmamanipula, maaari nating banggitin ang halimbawa ng isang diskurso ukol sa mga History books. Sa talakayan sa FILDISK, isa sa aking sabdyek sa De La Salle, sinabi na ang karamihan sa mga History books ng bansa ay hindi gaanong gumagamit ng wikang Filipino. Mismong Filipino ang may-akda ay hindi nagagawang isalin sa wikang Filipino, o gumamit man lang ng wikang ito. Isa pa ay hindi rin nagawang gumamit ng sariling pananaw na kung tawagin ni Zeus Salazar, ang pantayon pananaw. Ano nga ba ang aking punto rito?

Nais kong bigyan ng kahalagahan ang sariling wika sapagkat para sa akin ay ang pagamit nito o at least ang pagbibigay ng effort gamitin ito ay isang malaking hakbang na tungo sa pagpapaunlad ng damdaming makabayan o nasyonalismo ng bansa.

Sa pagamit ng sariling wika, naiimpluwensyahan ang nakararami, ang mga kausap ng gumagamit ng wika, na gamitin din ang sariling wika sapagkat subconsciously nagiging pangkaraniwan na itong gawain, at hindi na magkakaila o mahihiyang gamitin pa. Nagbibigay ng pamantayan ang isang idibidwal sa pagkat napapakita niya na nabibigyan niya ito ng kahalagahan. Paano pa kaya kung ang indibidwal na gumagamit ng wikang iyon ay isang icon, may awtoridad, at may kapangyarihang makaimpluwensya ng nakararami? At paano pa kaya kung ang tao na ito ay nasa medya?

Ang medya ay isa pang makapangyarihang instrumento o pwersa sapagkat marami ang tumatangkilik dito. Ang medya ay makikita mo saan mang sulok ka pumunta- mapaprint ad man, maparadyo, o mapatelebisyon. Kahit nga sa panonood ng pelikula ay subconsciously ay namamanipula ka na rin. Paano kung nagsama pa ang medya at ang wikang Filipino? Eh di masaya! Isa itong napakaganda at epektibong pwersa sa pagpapalaganap ng nasyonalismo tungo sa kaunlaran, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Filipino. Ngunit sa aking palagay depende rin kung papaano mo ito ginagamit.

Kung magtaglish ka lang, hindi rin gaanong epektibo ito kaysa sa wika na ginagamit na pangliteratura o pampanitikan. Sa pagtataglish, maaari itong maunawaan sapagkat napakaconversational ng dating nito. Sa kabilang banda, ang pagamit naman ng pampanitikang wika o ang wikang ginagamit na ng mga dalubhasa sa akademyang Filipino ay napakahirap, para sa akin, maunawaan. Iba na ang lebel ng pakikipagusap at pagsusulat ng wikang Filipino at halos sila-sila na lamang ang nagkakaintindihan.

Napansin ko, sa aking kurso na Philippine Studies, ang mga reading materials sa wikang Filipino ay napakahirap maunawaan. Kahit na sobrang talino ko na at kahit First Honor pa ay ang hirap maintindihan kaagad unless ipaliwanag at italakay pa ng aking propesor sa klase. May mga ibang mag-aaral, gaya ko, na interesado naman at may pagtiyatiyagang matuto, ngunit nawawala ang pagkakataong ito kung hindi naman maintindihan ang wika nang husto.

Para sa akin ang pagamit nga ng wikang Filipino ay magiging useful lamang KUNG magagawa nitong maimpluwensyahan ang nakararami. Sa palagay ko na ang karapat dapat gamitin na antas ng wika ay ang Kolokyal na wikang Filipino na kung saan mauunawaan hindi lamang ng mga matatalino, kundi ang masa na ang karamiha’y hindi nakapagaral.

Maaaring maihalintulad ang aking punto sa pamantayan o kahalagahan (values) na nabuong konsepto ni Landa Jocano. Sinabi niya na ang pamantayan system ng mga Pilipino ay nasa gitna. Hindi sobra at hindi rin labis. Kinakailangan na sa gitna ito upang maunawaan, mabigyan na sapat na importansya at magamit o masundan at matanggap ng mga nakararami. Ganoon din ang wika natin. Para sa akin, ang pagamit dapat ng wika, kapag nais mong makaimpluwensya, sabihin na natin gaya ng Medya, ay dapat pangkaraniwan lamang ang dating nito. Kung gagamitin ang wika sa akademya o ang Pampanitikan na wikang Filipino ay mahihirapan mangyari ang tunguhing ito. Kung wikang Balbal naman ang gagamitin ay hindi naman ata kaakit-akit gamitin at pakinggan. Kung Rehiyonal ay mas lalo lang hindi makarerelate ang nakararami.

Ang wikang Kolokyal na Filipino ay para sa akin ang pinakamabisa na pagpapaimpluwensya sa nakararami. Magiging epektibo ang pagamit nito sa Medya kasi maabot niya ang mga kalooban ng mga tumatangkilik sapagkat ito’y mauunawaan nang husto.

Gusto kong suriin ang Kolokyal na wika na gamit ng dalawang palabas na nagmumula sa ABS-CBN Network, ang Sharon at ang TV Patrol. Napansin ko na pareho lamang ang antas ng wikang ginagamit dito; nagkakaiba lamang ito sa anyo.

Unahin muna natin ang show ni Mega Star Sharon Cuneta. Napansin ko na napakaconversational ang dating ng wikang kolokyal na ginagamit sa tv show na ito. Sa isang episode niya noong ika-9 ng Nobyembre na pinamagatang Girl’s Night Out, na kung saan ininterview ang mga hunks ngayon sa medya na sina Jake Cuenca, Jon Avila, Marc Abaya at Geoff Eigennman .Napakita kung papaano ginamit ang kolokyalismo ng wikang Filipino sa mga interview questions ni Sharon. Karamihan sa mga kalalakihang ito ay gumamit ng kolokyal na wika sa pagsasagot ng mga katanungan. Mismong si Sharon ay nagtataglish kapag kausap ang mga binata. Paminsan din, napansin ko na kung papaano magsalita sa mga katanungan si Sharon, ay ganoon din ang pamamaraan ng pagsagot ng taong tinatanong niya. Napansin ko din na kapag nagsasalita ang isa sa kanila ay straight na Ingles o di naman kaya’y straight na wikang Filipino. May pagkakataong nagkakaroon ng kompromiso ang pag-English at pag-Filipino kayat nagiging taglish paminsan. Gaya na lamang ng mga nabanggit nina Jake Cuenca, “…I mean, given naman yun eh…I just try to do my best,” at Geoff Eigennman, “I’m really shy eh…if you get to know me dun lumalabas ang pagkakalog ko.” Sa paglalagom, tamang-tama lang ang pagamit ng ganitong klase ng wika sapagkat ito ay isang tv show at nagiging mabisa talaga ang Kolokyalismo rito. Mas nakarerelate di lamang ang mga manonood sa telebisyon, kundi ang mga taong naroon din sa studio at nasusubaybayan nila mismo. Mas nagiging  friendly at feel at home ang atmospera ng show dahil sa pagamit ng ganitong klase ng wika.

Sa kabilang banda, ang TV Patrol naman ay gumagamit ng Kolokyal na may pagka-pormal sapagkat deretso ang pagamit ng Filipino rito. Ngunit kung pakikinggan nang husto ay kolokyal pa rin.

Ang pagamit ng wika nina Alex Santos at Bernadette Sembrano ay nasabi kong may pagkapormal sapagkat nagawa nilang magderetso na wikang Filipino, maliban na lamang sa mga teknikal na mga salita sa Ingles tulad ng “flash flood,” “exclusive,” “low pressure area,” at “coronation night ng Miss Earth Beauty Pageant.” Bagamat may mga teknikal na  terms ang ginagamit, understandable ito at tama naman ang timing nito. Hindi rin kumplekado ang wika sapagkat maaari itong magamit sa ordinaryong paguusap ng mga tao. Akala ko nga noong una ay Pampanitikan o Panliterati ang antas na wikang gamit, ngunit hindi rin pala. Sa paglalagom, naisip ko na ang mga palabas na balita ay kinakailangan din nga pala na maunawaan ng nakararami dahil ito ay isang mahalagang palabas na kinakailangang masubaybayan ng mga Filipino para sila ay magkaroon ng malawakang kaalaman at awareness para sa ikabubuti ng bansa at ng mga mamamayan.
Inasahan ko na malaki ang agwat ng pagamit ng wika sa palabas na Sharon at sa TV Patrol. Hindi pala. Pareho lamang ang antas ng wikang iginamit, at ito ay ang kolokyal na wikang Filipino. Napagisipan ko na ang pagamit nito ay isang mahalagang paktor sa pagpkuha ng mga damdamin at atensyon ng mga manonood. Hindi laman nila ito mauunawaan, kundi makapagiimpluwensya ito sa kanila, consciously man, o subconsciously.

Posted by: filculma51g3 | December 1, 2008

Blog #5 :: Lou :: Kritik sa Ibang Blog

Iba-ibang kwento, iba-ibang konsepto, iba-ibang ideya na talagang pinaghirapan isipin at lakas loob na ipinamahagi sa ibang tao. Hindi madali magsulat at magkwento ng isang storya lalo na kung ito ay dapat ipabasa sa ibang tao na wala namang koneksyon sa iyo. Hindi yata madali magkwento tungkol sa lovelife mo tapos ang makakabasa ay yun hindi mo pa nakikila. Hindi nga talaga biro na gumawa ng isang blog dahil marami ang makakabasa nito kahit mga totoong kaibigan mo pa ay huhusgahan ka pa rin. Pakapalan na lang talaga ng mukha at lakas ng loob para makapagblog.

Ang pinaka unang sabject na ginawan namin ng blog ay kung ano ang paborito naming mall o lugar pasyalan. Sympre bigay na bigay ang pagkwento namin at kung ano ang storya sa likod ng pagpili namin sa mall na iyon. Ang akala ko ay ang makakabasa lamang sa blog namin ay ang propessor namin pero hindi pala. Pinabasa ito sa mga kaklase namin na hindi pa namin ganon kakilala at ang iba ay hindi talaga namin kilala dahil nga simula pa lamang ng termino. Ang una kong nabasang blog ay tungkol sa lovelife niya na umikot sa loob ng isang mall. Nakakatuwa talaga basahin dahil nakwento niya lahat sa blog niya kung saan sila nagsimula ng naging kasintahan niya at kung paano sila nagtapos. Aaminin ko na kahit hindi ko pa kilala ang nagsulat ng blog na iyon ay naapektuhan na ako sa istorya niya lalo na nung naging kaibigan ko na ang nagsulat. Ang pangalawang blog na pinagawa ay tungkol sa artikulo na na-assign sa amin. Ang napunta sa akin ay tungkol sa jologifikasyon na talagang masarap basahin at masarap rin gawan ng blog. Ang susunod na blog naman ay tungkol sa paborito naming artista o personalidad. Naging madali lang para sa aming lahat na magblog tungkol dito dahil lahat naman kami ay may kanyang-kanya paboritong artista o sikat na tao na iniidolo kaya talaga namang inspired kami magsulat tungkol sa napili namin. Ang pang-apat na blog naman ay tungkol sa isang palabas sa telebisyon at ang wikang ginamit. Naging malaking usapin rin talaga sa kurso na filculm at iba pa naming major sabjeks ang wika. Nagkaroon ng maiinit na diskusyon ukol dito dahil malaking puwersa ang wika sa isang bansa. Hindi biro ang usapin na ito dahil ito rin mismo ang bumubuo sa identidad natin. Pasalamat na lang na mayroon tayong sariling wika na dapat nating patuloy pa gamitin at pagyamanin sa paraang patuloy na paggamit dito. Katulad na lamang ng pagsusulat o pagbloblog sa wikang filipino. Sa ganong paraan ay mas nahahasa pa ang kakayahan na gamitin ang wika at palaguin ito. At ang huling blog ay ito, ang pagkritika sa ibang blog ng ibang grupo.

Kung storya lang ang pagbabasihan sa pag-kritik ng blog ng ibang grupo at maging ng sarili kong mga kagrupo ay mabibigyan ko talaga ng perpektong grado dahil lahat naman talaga ay may magandang storya na maibabahagi sa bawat isa. Pero yun nga lang, pati ang ayos, ispelling at kung paano ito sinulat ay dapat rin i-kritika. Marami ang nagkakamali sa ispelling ng ibang salita at ang iba naman ay napapa-taglish pa dahil hindi maisalin ang ibang salita sa filipino. Kahit naman ako ay medyo hirap pa rin dahil may ibang salitang ingles talaga na hindi ko maisasalin sa filipino. Ang pagkakasulat naman ng iba ay walang ayos o magulo pa ang ideya dahil mapapansin sa biglang pagbago ng kwento o ng sabjek. Ang iba naman ay hindi parang blog ang ginawa kung hindi parang isang reserts paper. Ang iba naman ay tila pinilit na lang magkwento basta lamang may maiblog at maipasa para magka-grado. Hindi rin naiwasan na ipilit na isalin ang ibang salitang ingles sa salitang filipino kaya hindi tama nag tunog at kapag binasa. Sa kabuuan, may napulot akong aral sa bawat isa dahil sa mga binahagi nilang blog. Hindi biro magsulat ng isang libong salita dahil paminsan ay sa pagka-dami daming salita na pwedeng gamitin ay hindi natin magamit dahil hindi ito pumapasok sa isip natin dahil sa dami nating iniisip. Ang dami kkong natutunan na hindi ko pa talaga nararanasan dati. Nung unang sinabi sa amin na isang requirement sa klase para pumasa ay gumawa ng mga blog at talagang iniisip pa lang ay ang hirap na pero dahil sa mga storya at ideya na ibinahagi ng mga kaklase ko ay masasabi ko na naging epktibo talaga ang mga blog para mas mapalawak ang kaalaman ko.

Ang programang napili ko ay ang Bubble Gang dahil napaka-interesado aralin ang wika nito. Isa itong programa na puro komedya ang pinapakita kaya naman patok ito sa mga Pilipino. Alam naman natin lahat na tayong mga Pinoy ay mahilig tumawa at magsaya kahit na sandamukal na ang problema na kinakaharap natin at dun makikita ang panunuya. Pero isa rin itong positibong katangian natin dahil bakit nga naman natin proproblemahin pa ang problema, gagawin lamang nating ito mas malala at mas doble pa. Ang humor na ipinapakita sa programang Bubble Gang ay talaga namang pinoy na pinoy kaya nga mabenta ang mga biro na ginagamit nila sa atin pero kung sa ibang bansa siguro ipakita yon ay hindi gaano mabenta. Talaga namang nagpapasaya ang programa na ito pero sympre kung susuriin mabuti ay may mga negatibo rin ito na naududlot.

Ang wika na ginagamit sa programa ay parehong Filipino at Ingles at minsan pa ay taglish ang gamit. Ang mga unang epidose ng Bubble Gang ay purong Filipino pero sympre habang tumagal ang panahon ay nahaluan na rin ito ng wikang Inlges na magpapatunay na naimpluwensyahan na rin talaga tayo ng mga banyaga. Hindi ko naman sinasabi na mali ito pero para sa akin lamang ay kung gagamitin natin ang wikang Filipino ay dapat purong filipino ang gamitin at kung gagamitin naman ang wikang Ingles ay dapat purong wikang Inlges lamang ang gagamitin.

Sumulpot na rin kasi ang bagong lenggwahe, ang Taglish. Ang pinaghalong wikang filipino at Ingles. Sabi nila na lengwahe daw ito ng mayayaman at ng kabataan. Pero mas maraming kabataan ang gumagamit nito ngayon. Hindi naman talaga maiiwasan na mag-imbento ng bagong uso ngayon lalo na’t malikhain na talaga ang kabataan ngayon. Dahil nga hindi naman lahat ay fluent sa wikang Filipino at hindi rin lahat ay fluent sa wikang Ingles, napapaghalo tuloy ang parehong wika. Ang tawag nga sa gumagamit ng taglish ay ang mga conyotics o conyo sa lipunan. Sa isang segment ng palabas ng Bubble Gang na “Ang spoiled”, kung saan ang tambalang Michael V. at Ogie Alcasid ay talagang mabenta bilang sina Yaya at Angelina. Si angelina ay anak mayaman na talaga namang napaka-brat at si yaya naman ay uto-uto. Ang mga batang spoiled brat kilala rin na mga laking aircon dahil mainitan lang ng kaunti ay magrereklamo na o hindi sanay matulog kapag walang aircon. Hindi na talaga tinatanong ang kagalingan nila sa pag-dala ng karakter dahil panalo talaga ang tambalan nila. Pero kung susuriin mabuti, nakikita agad ang problema ng mga kabataan ngayon. Ang lenggwahe na ginagamit ng karamihan ngayon dahil nga ito na rin ang nakasanayan at uso. Ang taglish ang pinakamabilis na paraan para makataas sa problema na kinakaharap ng marami, ang hindi pagiging fluent sa wikang filipino at wikang ingles. Isa sa mga linya ni yaya o ni michael V. sa segment ay, “What do you want me to do para i-drink mo na ang medicine mo?”, nakakatuwa talaga kapag pinapanood siya dahil kahit yaya ay talagang bumabanat sa pagiging conyo dahil sa alaga niya. Yun nga lang, mas nasasanay tuloy ang bata na mas maging conyo dahil naiimpluwensiyahan ng yaya niya. Ang dami rin mga linyang taglish na sumikat dahil madalas itong gamitin sa mga pelikula o palabas na may karakter ng teenager na mayaman. Nandiyan ang “Manong can you please make tusok-tusok the fishballs?” o “I have to go na, my driver is making potpot na e” at “Where are you na ba? You’re so matagal naman e”. Diba ang arte? Pero depende na rin kung ano ang tono na gagamitin kapag gumamit ng taglish. Ang iba kasi talagang pinapalala ang tunog, yun talagang pinapamuka nila na “mayaman ako!”. Kaya rin naging stereotype na kapag marunong ka mag taglish ay anak mayaman ka. Para sa akin ay ok rin naman kasi kahit naman ako ay napapataglish rin minsan. Hindi naman siguro masama iyon pero wag lang talaga sosobra kasi ang iba ay nakakarindi na talaga pakinggan at masakit na sa tenga at utak. Kung kaya pa na purong wikang filipino o wikang ingles ang gamitin ay mas mabuti iyon.
Pero kahit na may ganon na segment ay sa kabuuan, mas litaw pa rin at mas ginagamit pa rin ang wikang Filipno sa programa. Napakaimportante ang wikang filipino dahil hindi lamang  simpleng tagapagpahiwatig, tagapagpahayag at tagapag-ugnay ng kasaysayan ang wikang Filipino kung hindi ay isa rin itong daluyan ng kalinangan at karanasan. Kasangkapan din ang wikang Filipino sa pagsusuri at pag-unawa ng mga pagpapakahulugan sa kasaysayan na nakaugat sa sariling kabihasnan.

Napili kong buksan ang blogsite ng Group 2. Habang tinigtignan ko ang mga blog entry na ginawa nila, napatigil ako nang nakita ko ang unang blog entry ni Philip tungkol sa mall. Naalala ko yung kwento niya sa klase tungkol sa kanyang karanasan sa isang mall. Naalala kong interesante ang kanyang kwento kaya binasa ko ito at ito na rin ang napili ko suriin at ikritik.

Ang kanyang entry ay pinamagatang “Lumang Mall, Lumang Pilipinas?- Ang Aking Pamamasyal sa Harrison Plaza”. Samakatwid, ang mall na napili niya ay ang Harrison Plaza. Sinimulan niya ang kanyang blog entry sa paglalarawan ng nasabing mall. Malinaw at detalyado ang kanyang pagpapaliwanag. Nilarawan niya ang labas at loob ng mall, at ang mga nakapalibot dito. Mas naging epektibo at interesante ang kanyang sinulat dahil nagbigay pa siya ng maikling kasasaysayan tungkol sa mall. Sinabi niya na ayon sa kanyang ina, mayroon nang tatlong dekada nakatayo ang Harrison Plaza at mapapansin ito sa lumang istaktura ng gusaling ito. Napansin ko rin na may pokus ang sinulat ni Philip. Alam niya kung ano at hanggang saan lamang ang kanyang isusulat. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay malinis at hindi magulo. Para bang talagang pinagplanuhan niya kung paano niya ito sisimulan at tatapusin. Kung tutuusin, aakalain ko na talagang regular siyang gunagawa ng blog entry. Hindi nakakatamad basahin ang mga sinulat niya. Lalo pa itong nagiging interesante dahil sa estilo ng kanyang pagkakasulat. May halo kasing “humor” ang kanyang pagsusulat. Tulad na lamang ng kinekwento niya ang mga prostitute sa loob ng Harrison Plaza na minsan ay inalok siya, kinwento pa daw ng nakakatandang kapatid niya na namimigay pa ng calling card ng iba’t-ibang hotel, motel, apartment o condominium ang mga prostitute na ito. Mayroon pa siyang pahabol na hindi lang daw niya alam kung paano iyon nalaman ng kanyang kapatid.

Marami pang karanasan na naikwento si Philip sa kanyang pamamasyal sa mall. Tila ba palagi talaga siyang nagpupunta dito. Mayroon siyang isang karanasan na naloko sila ng kanyang tatay ng isang tindahan. Bumili sila ng 4 gigabytes na flashdisk ngunit nang inuwi na nila ito sa bahay ay nalaman nilang halos 1 gigabyte lamang pala ang kaya nitong ikarga. At noong bumalik sila ay sila pa ang nasisi dahil sinira daw nila ang flash disk.

Iilang beses na rin akong nakapunta sa Harrison Plaza. Masasabi kong eksakto nga ang paglalarawan ni Philip sa mall na ito. Marami ang nagbebenta ng mga piratang DVD, marami ang nagbebenta ng street food, ng mga cellphone, maraming ukay-ukay, at kung anu-ano pa. Siguro dahil nga sa kalumaan, hindi na ito masyadong naaalagaan at napapanatiling malinis. Pagpasok mo, makikita mong hindi organasido sa mall na ito at ang gitna ay halos tindahan ng ukay-ukay, DVD, samu’t-saring pagkain, at kung anu-ano. Medyo nakakatakot din magpunta dito dahil marami ang kahina-hinalang tao ang mga palaboy-laboy sa mall na ito. Hindi mo masasabi kung ligtas ka dito. Lalo kong nagustuhan ang entry ni Philip tungkol sa karanasan niya sa mall dahil sa bandang huli ng kanyang sinulat ay binigyan niya ng eksplanasyon ang pagpunta ng mga tao sa mall. Ayon sa kanya, ang mga mamimili sa mall ay nagsisilbing simbolo ng pag-asenso ng ating bansa. Pero hindi niya nilahat ang mga tao sa mall. Napansin niya ang mga nakatambay lamang, nakaupo sa tabi-tabi at nanunood ng ibang taong naglalakad. Minsan ay napaghihinilaan pang masamang tao dahil madumi o hindi kaaya-aya ang suot. Nasabi ni Philip na hindi natin maituturing na lubusan na ang mall ay simbolo ng tuloy-tuloy na pag-asenso ng ating bansa. Hindi rin imposible na ang mall ay nagsisilbing pag-asa ng mahihirap na makaraos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Halimbawa na lang ang mga nagbebeta ng laman sa Harrison na naikwento niya sa kanyang blog entry. Pati na rin ang mga nangloko sa kanila ng kanyang ama tungkol sa flash disk na sinabi ay 4 gigabytes ngunit halos 1 gigabyte lamang pala. Minsan dahil sa kahirapan at kagustuhang umasenso ay nagagawa na ng mga taong ito na ibaba ang kanilang moral at respeto sa sarili at pipiliin na lamang na ibenta ang kanilang sarili o manggulang ng ibang tao. Kahit na alam nating masama ito, hindi rin natin masisi ang iba sa kanila dahil hindi rin madali ang mamuhay lalo na kung pinanganak ka na sadlak sa kahirapan. Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo at kung paano ka mag-uumpisa para kumita ng pera. Minsan ay mawawalan ka na ng pag-asa kaya kahit masama ay papatulan mo na para lamang may maipangkain sa araw-araw. Sa blog entry ni Philip, binigyan niya ng kakaibang kahulugan ang mall. Hindi lamang ito simbolo ng umaasensong bansa ngunit maaari rin itong maging representasyon ng kahirapan na hinaharap ng marami sa atin.

Ang programang Iisa Pa Lamang ay pinagbibidahan ni Claudine Barreto, Gabby Concepcion, at Diether Ocampo. Ito ay inere sa ABS-CBN’s Primetime Bida noong Hulyo 14, 2008 hanggang sa umpisa ng buwan na ito. Idinerekta ni Ruel S. Bayani at Manny Palo, naging patok ito sa mga manonood at sinubaybayan hanggang sa huli. Tulad ng mga nakasanayang telenobela, puno ito ng drama. Maraming pag-iyak, pang-aapi, paghihiganti, at pagmamahal ang makikita at madadama sa panonood nito. Ito ay tungkol sa istorya ni Catherine (Claudine Barreto), isang babaeng probinsyana na nawala ang minamahal dahil sa pang-aapi ng ina ng lalaki. Maraming hinagpis at sakit ang dinanas niya dahil sa kanyang minamahal. Dumating ang araw na ang sakit na iyon ay nauwi sa poot at galit. Nang umasenso si Catherine dahil sa pagpapakasal niya sa isang mayaman na biyudo ay nagsimula siyang maghiganti at pinlano niyang pabagsakin ang mga nang-api sa kanya. Naghiganti siya sa dati niyang minamahal na si Miguel Castillejos (Diether Ocampo) dahil hindi sila nagkamabutihan  dahil sa hindi pagkakaintidihan. May galit din siya sa asawa ni Miguel na si Scarlett Dela Rhea(Angelika Panganiban) na nagkataong anak ng bagong asawa ni Catherine na si Martin Dela Rhea (Bembol Roco) dahil sa pagtrato nito ng masama sa kanya. Ngunit ang pinakamalaking galit ni Catherine ay para sa ina ni Miguel na si Isadora dahil sa kasamaan ng ugali nito sa kanya at sa kanyang pamilya. Kahit na nasa kanya na ang pera at kapangyarihan, hindi siya tuluyang naging matagumpay. Maraming mga unos na patuloy na dumadating sa kanyang buhay. Maraming namatay, maraming nagbuwis ng buhay, marami ang nasira ang buhay. Sa huli, natagpuan niya ang totoong pagmamahal kay Rafael Torralba (Gabby Concepcion) at kinalimutan na lahat ng poot at galit na naiwan sa kanyang puso.

Ako mismo ay nanonood ng teleserye na ito. Hindi ako masyadong tutok dito pero tuwing may pagkakataon ay pinapanood ko ito. Hindi ako mahilig manood ng teleseryeng ubod ng drama pero nagustuhan ko ito. Hindi lamang dahil sa istorya pero sa mga nakakatuwa at nakakatawang dayalogo dito. Sino ba naman ang makakalimot sa mga linyang “you’re a gold-digger in red”at “damn you, damn me. Karma’s a bitch, and so are we…” Sa aking pananaw, talaga namang nakakaaliw ang mga linya nila. Hanga ako sa nagsulat ng script ng programang ito. Alam na alam niya kung paano gagamitin ang iskrip upang makuha ang atensyon ng mga tao. Siyempre, ang mga nagbibitaw ng linya ay dapat din dahil bigyan ng halaga sila ang nagbibigay-buhay sa mga linyang hindi natin makakalimutan.

Sa aking panonood ng Iisa Pa Lamang, humahanga ako sa galing ni Cherie Pie Picache sa pag-arte at sa pagbibitiw ng malulupit na linya. Siya ang gumanap na Isadora, ang ina ni Miguel Castillejos na kontrabida sa buhay ni Catherine. Ang pagganap niya bilang Isadora ay napakaepektibo na talagang napapaniwala niya ang mga manonood. Ang kanyang ginagampanan ay isang babaeng gagawin lahat para sa pera kahit na ang kapalit ay pumatay ng tao. Mayroon siyang dalawang anak, si Miguel at si Sofia na mahal na mahal niya ngunit ang kanyang kasamaan ay hindi na rin maikakaila ng kanyang mga anak. Sa pagganap ni Cherry Pie Picache bilang Isadora, nabigyan niya ng kulay ang pagkatao ni Isadora. Para siyang isang loka-loka na matalino at madiskarte, na pipiliting lusutan ang kahit anong sagabal sa mga plano niya at ang pinakaimportante sa kanya ay ang salapi. Maraming mga linya sa Isadora na talaga naman nakatatawa pero sa kabilang banda ay epektibo sa kanyang pagiging kontrabida.

REPORTERS: “Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?”
ISADORA: “Cuteness at kabataan…”
ISADORA: “So… May the best and cutest congressman win…”

“Yes, I’m one in a million! I’m one in a million pesos!” – Isadora

“Sa lahat ng mga namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko Rolando……. Walang hiya ka, ang lakas mo sa akin!” – Isadora

“O siya, hanggang dito na lang Rolando at baka matunaw pa ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.” – Isadora

Ito ang ilan sa mga linyang nagbigay ng kasikatan kay Isadora, Nakakatawa man, hindi maitatanggi na tumatak ito sa mga manonood. Dahil sa kanyang ginagampanan, ang mga linya na kanyang binabato ay may halong pang-aasar at talaga ngang nakakaasar kung ikaw ang sinasabihan Kahit na mayaman si Isadora, makikita mo sa kanyang pagsasalita at ginagamit na mga salita ang pagkabastos at walang modo niya. Kung magsalita siya ay para bang wala siyang galang, lalo na kapag kausap niya si Catherine o ang iba niyang kaaway.

Dahil marami sa mga karakter ay mayaman at mga elitista, nahahaluan ng konting Ingles at Espanol ang mga linya nila. Pero dominante pa rin ang paggamit nila ng wikang Tagalog.Ang pagsasalita nila ng wikang Tagalog ay konbersasyunal para madaling maintindihan ng Pilipinong manonood.  Ang wikang kanilang ginagamit at kung paano sila magsalita ay nagrerepresenta sa personalidad ng taong kanilang ginagampanan.

Posted by: filculma51g3 | December 1, 2008

Blog #4 :: Anton :: Ang Wika ng Survivor Philippines

Ang reality television ay pinagkakaguluhan ngayon sa ating bansa. Isa siyang komodity na hinahanap-hanap ng mga manonood dahil sa sinasabing pagkalapit ng mga programang ito sa totoong buhay. Mapapansin rin na karamihan ngayon na marami sa mga programang reality na pinapalabas sa mga local na estasyon ay binalangkas mula sa mga programang galling sa kanluran. Isa na sa mga programang ito ay ang Survivor Philippines.

Ang Survivor ay isang programang sumikat sa Estados Unidos at pati na rin sa buong mundo noong ito ay unang lumabas. Sa kasalukuyan, ang programang Survivor Gabon na pinapalabas sa Estados Unidos ay na sa 15th season na kung hindi ako nagkakamali. Ang konsepto ng programang Survivor ay umiikot sa ideya ng “dog eat dog world”. “Outwit Outplay Outlast” ang tagline ng nasabing programa kung saan naglalabanan ang dalwang tribo, at ang tribo na natalo sa immunity challenge ang siyang isasalang sa tribal council. Dito sa tribal council nagaganap ang botohan kung saan bumoboto ang bawat miyembro ng tribo para sa indibidwal na nais nilang umalis sa isla. Kapag nakaabot na ang laro ng iilang miyembro na lamang ay nagsasama ang dalawang tribo bilang isang grupo at ipinapatuloy ang proseso ng pagtanggal ng indibidwal. Ang taong mananatili ay itinuturing na Ultimate o di kaya’y Sole survivor.

Ang porma at mga pamantayan ng Survivor Philippines ay hindi nalalayo sa Survivor na ipinapalabas sa US. Ang isang kaibahan na napansin ko sa dalawa ay ang Survivor na pinapalabas sa US ay ipinapalabas isang beses lamang sa isang linggo sa loob ng isang oras habang ang Survivor Philippines ay araw-araw ipinapalabas ngunit hindi ito umaabot ng isang oras. Isang malaking kaibahan din sa kanila siyempre ay ang wikang ginagamit sa dalawang programa.

Ang Survivor Gabon, ang kasalukuyang Survivor sa Estados Unidos, ay gumagamit ng wikang Ingles dahil subalit ipinapalabas ito sa buong mundo ang pangunahing manonood nito at mga mismong kasali sa programa ay mga Amerikano. Ang Survivor Philippines naman ay gumagamit ng wikang Filipino, taglish, at kung minsan mga salitang balbal sa programa.

Sa aking pagsusuri sa wika ng programang Survivor Philippines ay mayroon akong iilang mahalagang napuna. Ang host ng  programa ay si Mr. Paolo Bediones at tuwing siya ay magbibigay ng mga direksyon para sa mga kasapi sa laro ay ipinapahayag niya ito sa wikang Filipino. Masasabi naman natin na ang programang Survivor Philippines na pinapalabas sa estasyong GMA ay karaniwang pinapanood ng taong masa at iilan mula sa gitnang uri. Kinakailangan ipahayag ang mga ito sa wikang Filipino upang maintindihan ng manonood na nais maakit ng programa. Kung ang mga pamantayan o direksyon ay ibibigay ng host sa wikang Ingles ay hindi ito maiintindihan ng karamihan.

Isang obserbasyon rn na maituturing kong mahalaga ay ang pag gamit sa salitang “Immunity idol”. Ang immunity idol ay isang kasangkapan na mahalaga sa mga manlalaro. Upang hindi ka matanggal o maboto ng iyong mga katribo sa tribal council kinakailngan na mayroon ka nito. Mahalagan pagpuna lang na ang salitang ginagamit sa kanluranin na Survivor ay ginagamit din sa Survivor Philippines. Naangkop naman ang konsepto o kahulugan ng salitang “immunity idol” dahil klaro naman ang pagpapaliwanag sa kasangkapang ito. Napaisip lamang ako na ano kaya ang maaaring maging katumbas na salita sa wikang Filipino para sa bagay na ito.

Isang mahalagang salik din na nakakaapekto sa wika ng programang Survivor Philippines ay ang mga kasapi o mga manlalaro nito. Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t-ibang klaseng buhay at marami ang kanilang pagkakaiba sa isa’t-isa. Mayroong katulong, call center agent, driver, physical trainer, isang matandang labandera at iba pa. naapektuhan ang wika ng programa dahil iba-iba ang lebel ng edukasyon ng mga kalahok at pati na rin ang mga lugar kung saan sila tuira at lumaki. Hindi maiiwasan ang iba’t-ibang tinig ng mga indibidwal dahil sa iba’t-ibang probinsyang pinanggalingan, mayroon pang isang lalaki na marunong mag Filipino ngunit lumaki siya sa Hawaii kung kaya iba rin ang kanyang pananalita.

Tulad din naman ng ibang programang reality TV ipinapangako ng estasyon ang katotohanan ngunit minsan ay kwinekwestsyon natin ito. Dahil isa itong reality TV na programa talagang magkakaroon ng malaking kaibahan ito sa mga programa tulad ng isang teleserye, talk show, o di kaya’y variety show. Napansin ko na sa mga programang reality maaaring magmura ang isang indibidwal nguint nilalapatan nila ito ng censor na tunog, ngunit sa isang variety show, drama o talk show hindi nila papayagan na makaabot sa manonood ang mga ganitong klaseng salita.

Ang reality TV na mga programa tulad ng Survivor Philippines ay sikat na sikat dahil sa hibang na ligayang ibinibigay nito sa mga tao. Ibinebenta niya ang kanyang sarili bilang katotohanan at ipinapalita sa taong bayan ang kahalagahan ng kompetisyon sa mundong kinagagalawan natin. Ang wika ng mga ganitong programa ay masasabi nating mas Malaya kumpara sa wika ng mga programang scripted.

“Ang Paghahanga ng Binatang si Carmelo Sabitsana sa Dalagang si Nikki Gil”

Ang blog entry na napili kong suriin at bigyan ng reaksyon ay ang blog entry ukol kay Nikki Gil ng matalik kong kaibigan na si Melo Sabitsana na bahagi ng group#3 ng ating klase. Sino nga ba si Nikki Gil at bakit nahuhulog ang puso ng mga binata sa dalagang ito? Ayon sa kaibigan kong si Melo ang tanging katangian ni Nikki Gil na kanyang hinahangaan ay ang galling nito sa pagkanta. Alam na nating lahat na unang sumikat ang dalaga sa kanyang 30 second na komersyal para sa Coca-Cola.

Noong unang lumabas ang komersyal na ito, naakit ang mga tao sa misteryosang dalagang may magandang boses at tila magandang mukha. Kung susuriin ang astetika ng kagandahan ni Nikki Gil, masasabi natin na hindi siya naaayon sa kinikilala ng masang Pilipino na imahe ng kagandahan. Siya ay maliit, morena ang balat at tila mukhang napakabait na tao. Nakikita ko naman kung bakit nahuhulog ang puso ng aking kaibigan sa dating ni Nikki Gil. Siya ang tipo ng babae na puwedeng iuwi sa mga magulang, mukhang mabait, at magaling pang kumanta. Kung tatanungin mo si Melo, ito ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae. Ika nga para sa kanya si Nikki Gil ang maituturing na “perfect girl” sa kanyang mga mata.

Bilang bahagi ng mga kinakailangan sa blog entry na ito, nais kong suriin ang kabuuang ayos ng blog entry. Kung bibigyan ng pansin ang kaalaman ng manunulat ukol sa kanyang paksa, masasabi kong maraming alam ang manunulat tungkol sa dalagang si Nikki Gil. Siya ay nakapagbigay ng iilang mga proyekto kung saan kasapi ang dalaga. Natala niya rin sa kanyang blog entry ang mga samut-saring komersyal kung saan si Nikki Gil ang nagsilbing endorser. Dahil sa mga impormasyon na kanyang binigay makikita natin na may ginawang research ang manunulat bago pa man siya magsulat ukol sa kanyang paksa.

Kung susuriin naman ang “approach” o pag-atake ng manunulat sa entry makikita natin ang pagka-personal na dating ng pagsusulat niya sa partikular na entry na ito. Kung aalahanin ang mga panuto na ibinigay para sa entry na iyon, pinapili tayo ng isang artista o taong sikat at suriin ang imahe na pinapakita nito sa lipunang Pilipino. Maliwanag naman at klaro ang pagpapaliwananag ng manunulat sa nakikita niyang imahe ni Nikki Gil. Masasabi ko rin na ang kanyang mga paglalarawan ay patok sa aking nakikita kay Nikki Gil sa industriya ngayon. Ang imahe ni Nikki Gil ay tila “conservative” na babae, masasabi ko rin na pandagdag na si Nikki Gil ay isang manifestation ng konseptong “girl next door” sa ating bansa. Makikita naman natin ang personal na dating ng pagsulat ni Melo dahil matagal na siyang may crush sa srtista/singer na si Nikki Gil. Naranasan ko ng marinig ang aking kaibigan na ipahayag ang kanyang paghahanga para sa magandang dalaga.

Sa tingin ko rin ay naging kalakasan ng blog entry ay ang paglalarawan ng manunulat sa mga firsthand niyang karanasan sa pagpanood kay Nikki Gil. Dahil sa mga bahaging ito lalong nabigyan diin ang papel ni Nikki Gil hindi lang sa buhay ng manunulat kundi sa ang kanyang papel bilang isang mangaawit. Dahil sa mga karanasan na inilarawan ni Melo, nagkakaroon ang mambabasa ng mas maliwanag na kaalaman ukol sa paghahanga ng manunulat sa dalaga. Dahil din dito ang blog entry ay nagkakaroon ng kakaunting elemento ng komedya dahil sa mga pangyayari.

Kung titignan ang porma ng pagkasulat ay masasabi kong maayos naman ito maliban sa iilang typographical errors na aking nakita at iba ring grammatical errors. Hindi naman din maiiwasan sa pagsusulat ng blog na maghalo ng wikang Ingles at Filipino o di kaya’y gumamit ng taglish. Sa aking opinyon nagiging mahina ang isang teksto kapag ganitong klaseng panunulat ang ginawa, at hindi ako nagmamalinis dahil kung minsan ay ganito rin ako magsulat. Mahirap ang ipahayag ang na sa utak o damdamin sa wikang Filipino kung ang nakasanayan mo ay mag-isip sa wikang Ingles.

Sa kabuuan, masasabi ko na natuwa ako sa blog entry na ito na aking nabasa. Kung mayroong mga bias man ang aking mga pananaw ay hindi na ito maiiwasan dahil sa pagkakilala ko sa binatang humahanga sa dalagang si Nikki Gil. Makikita sa pagsulat ni Melo na siya ay may matinding paghahanga, pagpapahalaga, at pagpupuri para kay Nikki Gil. Kaninang umaga nga lang sa bus papuntang eskwelahan ay sinabi niya sa akin n a nadownload niya na daw at nakasa sa kanyang ipod ang mga kanta ni Nikki Gil mula sa kanyang album.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Sa blog na ito, susuriin ko ang paggamit ng wikang Filipino sa isang TV show. Ang sumusunod ay isang introduksyon para sa napili kong suriin na TV show.

Starring Jericho Rosales and Carmen Soo, Kahit Isang Saglit is definitely blessed with a powerhouse cast including Christopher de Leon, Albert Martinez, Cristine Reyes as well as Malaysian stars Louisa Chong, Awal Ashaari, and Zayahanah Ibrahim among others. Their dedication to their craft has admittedly made things easier for equally acclaimed director Jerry Lopez-Sineneng who continued what Manong Gilbert had started.

Rocky Santillan’s (Jericho Rosales) father was a policeman who was murdered. His mother suffered from a fatal heart attack as she mourned her husband’s lifeless body on the beach. Margaret/Garie (Carmen Soo) was very happy to see her father, Ronaldo Dimaandal (Albert Martinez, again and was excited to spend time with both her mom & dad, but she awoke the next morning to find out he had gone again. Garie & her mom then went to live with a relative who didn’t too think much of her dad (Garie’s Grandmother & Eunice’s mother).

After 15 years, Rocky has become a PDEA officer and has gone to Malaysia for an important assignment. While in Malaysia, he secretly leads an investigation into his father’s death, which remains unsolved though Rocky can still remember the face of the man who visited his dad before he was murdered (Garie’s dad). Meanwhile, Garie still yearns for her father. She still believes that her father left against his will and plans to go to the Philippines to look for him.

One busy day, when both of them are in a rush, they collide and fall into each other’s arms.

Sa aking pagsusuri, mas nangingibabaw ang paggamit ng wikang Filipino kaysa wikang banyaga tulad ng Malay at Ingles. Sa ating bansa, mas patok syempre ang mga telenobelang madaling maiintindihan ng mga manonood, at sa tingin ko mas madala para atin ang pakinggan ang mga sinasabi ng mga tauhan kaysa basahin ang mga subtitles ng mga programa. Kaya nga madami ding pumapatok na mga asianovela dito sa ating bansa dahil naisasakontekso ito sa Pilipino ng mga kumpanyang bumibili ng karapatan dito, kasama na do’n ang pag-dub nito sa Filipino. Kadalasan din, mapapansin na ang mga tauhan ay nagta-Taglish. Mayroon din namang mga tauhan na kung magbigkas ng wikang Filipino, derechong-derecho. May mga tauhan din namang nagi-Ingles. Nakakatuwa rin makita ng natututunan ng mga Malay na aktor at aktres ang wikang Filipino, at nagagawa nila itong mabigkas ng maayos.

Sa kabuuan, dominante ang wikang Filipino sa palabas na ito, bagamat may mga dayuhang aktor at aktres na kasama, kung saan sila yung madalas na mapapansing nagsasalita ng Ingles o Malay. Ang napansin ko rin kasi, si Garie na isang Malay lang yung madalas na nakakaintindi at nakakapagsalita ng wikang Filipino. Kasi base na rin sa istorya ng palabas na ito, siya ay may Filipino na ama, at syempre, malamang palalabasin sa istorya nito na siya’y naimpluwensiyahan ng kanyang ama.

Ang pagkagamit ng wikang Filipino dito sa palabas na ito ay hindi mahirap intindihin, gawa ng hindi malalalim na salita ang ginamit. Kung may malalalim na salita man ay hindi yung pangmakata. Tapos maayos ang daloy ng mga salita, marahil upang hindi pumangit ang daloy ng kumbersasyon ng mga tauhan sa bawat eksena.

MGA SANGGUNIAN:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Wika
http://www.abs-cbn.com/Weekdays/article/1047/kahitisangsaglit/Kahit-Isang-Saglit.aspx
http://en.wikipedia.org/wiki/Kahit_Isang_Saglit

Posted by: filculma51g3 | December 1, 2008

Blog #5 :: Chax :: “The Comedy King” ni Meg Sebastian

Ayon sa Wikipedia:

A blog (a contraction of the term “Web log”) is a Web site, usually maintained by an individual with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video. Entries are commonly displayed in reverse-chronological order. “Blog” can also be used as a verb, meaning to maintain or add content to a blog.

Many blogs provide commentary or news on a particular subject; others function as more personal online diaries. A typical blog combines text, images, and links to other blogs, Web pages, and other media related to its topic. The ability for readers to leave comments in an interactive format is an important part of many blogs. Most blogs are primarily textual, although some focus on art (artlog), photographs (photoblog), sketches (sketchblog), videos (vlog), music (MP3 blog), audio (podcasting), which are part of a wider network of social media. Micro-blogging is another type of blogging, one which consists of blogs with very short posts. As of December 2007, blog search engine Technorati was tracking more than 112 million blogs. With the advent of video blogging, the word blog has taken on an even looser meaning — that of any bit of media wherein the subject expresses his opinion or simply talks about something.

The personal blog, an ongoing diary or commentary by an individual, is the traditional, most common blog. Personal bloggers usually take pride in their blog posts, even if their blog is never read by anyone but them. Blogs often become more than a way to just communicate; they become a way to reflect on life or works of art. Blogging can have a sentimental quality. Few personal blogs rise to fame and the mainstream, but some personal blogs quickly garner an extensive following. A type of personal blog is referred to as “microblogging,” which is extremely detailed blogging as it seeks to capture a moment in time. Sites, such as Twitter, allow bloggers to share thoughts and feelings instantaneously with friends and family and is much faster than e-mailing or writing. This form of social media lends to an online generation already too busy to keep in touch.

Sa buong ikalawang termino ng school year na ito, naatasan kaming gumawa ng iba’t-ibang mga blog entries ukol sa iba’t-ibang mga isyu at topics. Bawat ideya na ibinagahagi namin sa mga nagawa naming blog entries ay importante, at dapat impormante, upang ang mga mambabasa nito ay maging interesante dito. At sa husay ng pagsusulat ng ilan kong mga kaklase, nagawa nilang akitin ang kanilang mga mambabasa, lalo na ako, sa ilan nilang mga sulatin.

Napili kong suriin ang blog entry ni Meg Sebastian na pinamagatang “The Comedy King”. Alam na alam na siguro ng lahat kung sino ang tinutukoy dito, at ‘yon ay wala nang iba kung hindi si Dolphy Quizon.

Ang blog na isinulat ni Meg Sebastian ay kapansin-pansing puno ng pagpupuri sa kay Dolphy. Nag-ungkat siya ng ilang mga detalye ukol sa pagsisimula ni Dolphy patungong pagsikat, hanggang sa panahon nito ngayon, na ika nga niya ay pinupuri pa rin ng karamihan sa galing nitong magpatawa. Ibinahagi ni Meg kung sa anu-anong mga palabas ito sumikat, hanggang sa kasalukuyan nitong relasyon sa kanyang pamilya, partikular na sa mga anak niya, mapa-showbiz man o hindi, at sa kalaguyo nitong si Zsa Zsa Padilla.

May ilang typographical errors akong napansin sa blog entry na ito, ngunit hindi naman nawalan ng saysay yung pangungusap na kinabibilangan ng mga pagkakamaling ito, sapagkat kalat naman ito, at hindi naman mahirap intindihin. May ilan ding mali sa ilang sentence structures sa blog entry na ito. May ilang pangungusap siyang naisulat na humaba dahil sa maling pagkakasulat nito, madalas sa maling pagkakasunud-sunod ng mga salita. Bagamat gano’n ang kaso, madali ko namang naintindihan ang kanyang sulatin. Isa pang kaso sa tingin ko ay hindi ito isang interesanteng subject. Hindi kasi ako fan ni Dolphy eh. Bagamat alam ko na may katotohanan ang mga nakasulat dito sa blog entry na ito, hindi pa rin ako naaning dito. Para sa akin, ito ay informative lamang, ngunit hindi gaanong nakakatuwa.

Posted by: filculma51g3 | October 21, 2008

Blog #3 :: Chax :: Judy Ann Santos

Mahirap nga namang magpalagay na ang isang musmos na may matatambok na pisngi, may edad na anim na taong gulang at kinakanta ang “Sampung Mga Daliri” sa isang toothpaste commercial, ay magiging isang tanyag at kilalang artista sa entertainment industry. Maliban d’yan, sa edad niya ngayong beinte-otso ay magdadalawang taon na siya sa nasabing industriya. Totoo nga namang si Judy Ann Santos ay isang ‘Diva’ na may angking pambihirang talento at malawak na kaalaman.

Humahanga ako sa kanya kasi talagang kapansin-pansin ang mga pagbabagong nangyari sa kanya, sa katawan, sa pag-arte, sa hitsura, at syempre, yung imahe niya dati na gumuhit sa mga isipan ng masang Pilipino, yung medyo mataba na Judy Ann, yung jologs na Judy Ann, yung maamo na Judy Ann, yung Judy Ann na mapagkumbaba at laging naaapi.

Ang Judy Ann ngayon ay may ipapamalas nang pambihirang kagandahan. Sexy na siya. Biruin mo, nakakasabayan na niya sa Pantene commercials sina Claudine Barreto, Gretchen Barreto, at Ruffa Gutierrez! Yung isang billboard nila sa may Shaw MRT station, grabe ang pagkamangha ko sa hitsura niya do’n. Ang ganda niya talaga do’n. Iba yung impact, ‘di tulad ng mga nakasanayan nating ‘hailed most beautiful’. Isa pang patunay na madaming pagbabago sa kanya ay yung mga commercials niya. Napakadaming gustong kumuha sa kanya para mag-endorso ng mga produkto.

Ipinanganak noong ika-11 na Mayo ng taong 1978, si Judy Anne Lumagui Santos o mas kilala bilang Judy Ann Santos ay isa sa mga matagumpay na artista sa kampo ng ABS-CBN. Si Juday ay nagsimula sa industriya bilang isa sa mga bata sa ‘Kaming Mga Ulila’ na pinalabas noon sa GMA. Ang show na ito ay dinirect ni Argel Joseph noon 1986. Pero mas sumikat lamang siya sa kanyang ginampanan sa isang soap opera ng IBC-13 na pinamagatang ‘Ula, Ang Batang Gubat’, sa edad na sampung taong gulang.

Kalaunan ay inalok siyang gumanap sa mga seryeng tulad na lamang ng ‘Impaktita’, ‘Madonna’, at ‘Silang Mga Sisiw sa Lansangan’. Na-expose siya sa sari-saring dyanra at iba’t-ibang midyum, tulad ng lamang ng telebisyon at pelikula. Nahasa talaga ng mabuti ang kanyang pag-arte habang siya ay tumatanda. Bilang isang batang aktres para sa Regal Films, nakuha niya ang kauna-unahan niyang leading role sa seryeng ‘Mara Clara’ noong taong 1992. Nagtagal ang seryeng ito ng limang taon, at napatibay niya ang kanyang posisyon bilang tagapagmana ng tila tronong inokupahan ni Janice De Belen, pati ng yumaong si Julie Vega.

Ang huli kong napanood na pelikua na pinagbibidahan niya ay yung ‘Kulam’. Last week lang yata ‘yon ipinalabas sa mga sinehan. At sa tingin ko ay ang galing ng kanyang pag-arte doon, hiwalay pa ang maganda nitong plot at twist. Sa totoo lang rin, para sa akin, nadala niya si Dennis Trillo sa pelikulang ‘yon. Ang pangit ng pag-arte ni Dennis do’n! Unang beses ko rin makita si Juday na gumanap sa isang nakakatakot na pelikula. Madalas ko lamang kasi siyang nakikita sa mga serye o mga programang pang-drama.

Si Juday ay madalang magkaro’n ng isyu o mga kontrobersiya sa industriya nila. Ang alam ko nga lang na kinasangkutan niyang kontrobersiya ay yung tungkol sa tax evasion at yung sabi-sabing paglipat niya ng istasyon sa telebisyon dahil sa pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan ng ABS-CBN. Ngunit narelsoba naman ang mga ito.

Isang ehemplo din si Juday ng simpleng galanteng imahe sa ating sociedad. Hindi rin siya conservative, hindi rin naman sobrang pa-sexy. Tamang-tama lang ang kanyang pananamit at pag-aayos ng mukha. Hindi rin niya itinatago sa masa ang mga nangyayari sa kanila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo. Ipinapaalam niya naman sa publiko ang mga bago sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. At saka hindi pa ako nakakarinig ng negatibong pangitain sa kanya ng mga kritiko. Madalas talaga ay positibo. Sa mga interbyu niya, lagi siyang nagpapahayag ng mga jokes, ngunit sinasagot niya ng derecho ang mga katanungan sa kanya. At dahil do’n, tinitingnan ko rin siya bilang isang totoong tao hindi lang sa sarili niya, kundi pati na rin sa ating lahat.

Hindi kaya siya’y sumusunod na sa yapak ng mga tinagurian star sa mundo ng showbiz, tulad na lamang nina Nora Aunor, SHaron Cuneta, at Vilma Santos? Sa tingin ko, oo. Hinubog niya talaga ang kanyang sarili upang maging isang mahusay na artista, at nararapat talaga siyang maging isang tanyag na ‘star’ sa kanilang industriya.

At sa’n ka pa, nominado ang pelikulang ‘Ploning’ na kinabibidahan niya, sa 2009 Oscar Awards sa ilalim ng kategoryang ‘best foreign language film’. Grabe ang pagkagulat niya dito, kasi ani niya, hindi daw niya inaasahang mangyayari ito. Pinapanalangin na lamang daw niya na manalo ito sa nasabing patimpalak, dahil ipinagmamalaki niya daw ang mga pelikulang Pilipino.

SANGGUNIAN: http://www.celebritiesph.com/actresses/filipino-actresses/judy-ann-santos.html

Older Posts »

Categories